Libre na ang apartment type o lote sa Botolan Municipal Cemetery.
Ito ay upang hindi na mahirapan pa ang mga residenteng namatayan sa pag-asikaso sa paglilibingan ng kanilang kaanak.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Botolan, sinimulan ang programa nitong nakalipas na Sabado.
Kailangan lamang makipag-ugnayan sa munisipyo para sa ibang requirements na kinakailangan.//Russell Banawa-BNFM IBA