Lovi Poe, inalala ang yumaong si Susan Roces

Inalala ng aktres na si Lovi Poe ang mga ala-ala ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Tinawag niyang ‘amazing woman’ ang namayapang aktres kung saan nagpapasalamat umano siya na magkaroon ng pagkakataong makasama ito.

Nagpasalamat naman si Poe sa produksyon ng ginagawa niyang teleserye ngayon dahil pinayagan umano siyang umalis muna sa lock in taping.

Samantala, sinabi ng aktres na nais nilang tingnan ang pangyayari kung saan positibo silang may gumagabay sa kanila sa taas. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *