Low Pressure Area sa PAR magiging isang ganap na bagyo

Inaasahang magiging isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 950 kilometro silangan hilangangsilangan ng Mindanao, o 995 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, mataas ang tiyansa na ito ay maging bagyo at tatawaging Bagyong #PaengPH.

Bagamat wala pa itong direktang epekto sa bansa, simula bukas ay posibleng magdulot ng mga pag-ulan ang trough o ‘yung extension ng sama ng panahon sa ilang bahagi ng Visayas at Southern Luzon.

Maaari rin itong mag-landfall depende pa sa magiging track ng LPA.

Samantala, patuloy pa ring nakaaapekto ang Hanging Amihan o Northeast Monsoon sa bahagi ng Batanes.

Maaari rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat at kulog sa bahagi ng Palawan, Visayas at sa Mindanao dulot naman ng Intertropical Convergence Zone.

Sa Cagayan, Isabela, Apayao, at Ilocos Norte, pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng pagulan at pagbaha dulot ng Shearline.

Sisikat ang araw mamayang alas-singko kuwarenta’y nueve; habang lulubog naman ito mamayang alas-singko trenta’y uno ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *