LPA at habagat magpapaulan ngayong weekend

Patuloy na makaka-apekto ngayong weekend ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa 140 km North Northwest ng Dagupan City, Pangasinan (17.2°N, 119.7°E).

Ang Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.

Ang Metro Manila, Visayas, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, at Quirino ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA at Southwest Monsoon.

Pinag iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabangit na lugar dahil sa posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published.