LPA magdadala ng mga pag-ulan ngayong weekend

Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 215 km East of Juban, Sorsogon.

Habang ang Shear Line ay patuloy naman makakaepekto sa Northern Luzon.

Ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA.

Dahil dito pinag-iingat pa rin ang mga apektadong residente sa Posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cagayan Valley ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shear Line.

Ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Shear Line at Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *