LPA, magdadala ng ulan sa Bicol; Maaliwalas sa ibang bahagi ng PH

Inaasahang makakaranas ng magandang panahon ang malaking bahagi ng bansa, sa kabila ng low-pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Catanduanes. 

Pero sinabi ng Pagasa na dahil sa LPA na huling namataan sa 345 kilometers east ng Virac, Catanduanes, ang Bicol region ay nakikitang makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at kulog.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, ay magkakaroon naman ng maaliwalas na panahon.

Ito ay maliban na lamang sa pulo-pulong mahinang ulan diyan sa northern at Central Luzon at isolated rain showers o thunderstorms naman dito sa Metro Manila at ibang bahagi ng Southern Luzon area.

Sa kabuoan, fair weather ang inaasahang iiral sa buong Visayas at Mindanao.

Sinabi ng weather bureau na ang LPA na nakakaapekto sa Bicol ay hindi inaasahang lalakas bilang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *