LPA magpapaulan sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao – PAGASA

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang trough ng Low Pressure Area na dating bagyong Queenie, sa Silangang Visayas, Hilagang Mindanao, Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bohol, Lanao del Sur, at Maguindanao Provinces.

Huling namataan ang LPA sa 420 km east ng general santos city.

Samantala ang tropical storm Nalgae na dating dating  bagyong “Paeng” ay namataan sa 845 km kanluran ng extreme northern luzon  sa labas ng philippine area of responsibility.

Patuloy ang pagkilos nito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h taglay ang lakas na 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 115 km/h

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog mga lokal na pagkidlat-pagkulog posibleng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *