LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes

Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang isang Low Pressure Area (LPA).

Huli itong namataan sa 590 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Ang mga probinsiya ng Batanes, Babuyan Islands, at Cagayan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng LPA at Frontal System.

Dahil dito posible umano ang mga flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Localized Thunderstorm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *