LPA, posibleng maging bagyong #RosalPH bukas

Inaasahang mamayang gabi o bukas, araw ng Sabado ay magiging isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa bahago ng Surigao.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 415 kilometro silangan hilagang silangan ng Hinatuan Sugigao del Sur, o 485 kilometro silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte.

Mataas umano ang tiyansa na mag-develop ito bilang isang tropical depression at tatawagin namang Bagyong Rosal.

Sa ngayon, patuloy na magpapaulan ang umiiral na shear line at trough ng LPA sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, CARAGA at sa Davao Region.

Asahan na umano ang mahina hanggang sa mga katamtamang pag-ulan na may minsanang malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na areas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *