National

LPA sa silangan ng Daet, CamNorte, nabugo na bilang TD Maring

Nabuo na bilang tropical depression ang low-pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Daet, Camarines Norte.

Ang naturang sama ng panahon ay pinangalanang “Maring”.

Sa huling forecast ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng tropical depression sa 505 kilometers east ng Virac, Catanduanes, taglay ang lakas na hangin na 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph, habang kimikilos pa-south-southeastward sa bilis na 15 kph.

Samantala, nakakaapekto naman ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ng weather bureau na ang Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, Bicol Region, Eastern Visayas, Benguet, Abra, Batanes, Babuyan Islands, Mindoro Provinces, at Marinduque ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ o ang trough ng tropical depression Maring.

Ang ibang bahagi naman ng bansa ay magiging maulap hanggang sa maulap rin ang panahon na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago