LPA sa silangan ng Davao, malabong mabuo bilang tropical cyclone

Hindi inaasahang mabubuo bilang tropical depression ang low-pressure system sa silangang bahagi ng Davao City sa Mindanao.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa 495 kilometers, silangan ng Davao, kasama ang intertropical convergence zone (ITCZ).

Ang naturang dalawang weather systems ay inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan sa Mindanao at ibang bahagi ng Visayas, lalo na sa silangang bahagi.

Sa kabila ng appearance ng LPA, tiniyak ng weather bureau na wala namang ibang weather disturbances na binabantayan sa ngayon.

Samantala, dahil sa ITCZ at LPA, ang Visayas at Mindanao ay makakaranas ng bahagyang malamig na panahon, dahil sa mararanasang ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *