LPA sa silangang bahagi ng PH, posibleng lumakas bilang bagyo

Mahigpit na binabantayan ngayong ng Pagasa ang low-pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa.

Sa pagtaya ng weather bureau, posibleng lumakas ang sama ng panahon at mabuo bilang bagyo.

Kaugnay nito, ang habagat naman ay muling mararanasan na makaka-apekto sa weather system sa western section ng bansa.

Sa huling forecast ng Pagasa, huling namataan ang LPA sa 1,470 kilometers east ng northern Luzon, at sa kabila na nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR) -maari itong mabuo bilang topical cyclone sa susunod na 24 oras.

Samantala, ang isa pang LPA malapit sa Ilocos, na huling namataan sa 140 kilometers northwest ng Laoag City, ay hindi namang inaasahang mabubuo bilang tropical depression, bagama’t magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa rehiyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *