LPA, tuloy na magpapa-ulan sa Mindanao

Muling pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang low pressure area.


Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 kilometro silangan timog-silangan ng General Santos City.

Pinalalakas din nito ang umiiral na intertropical convergence zone o ‘yung ITCZ.

Ang pinagsamang epekto ng LPA at ng ITCZ ay magdadala ng mga katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas, Central Visayas, SOOCSKSARGEN, CARAGA, at sa Davao Region.

Magdadala rin ito ng mahihina hanggang sa mga katamtamang pag-ulan na may minsanang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Palawan, Bicol Region, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao.

Dahil dito, asahan pa rin ang mga tuluy-tuloy na pag-ulan sa mga nasabing area na maaaring magdulot ng pagbaha at mga landslides.

Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rina ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong kasamang pag-ulan, kidlat at kulog sa hapon at gabi dulot ng mga localized thunderstorms.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *