Nagpulong na umano ang mga Local Price Coordinating Council o LPCC ng ilang mga bayan sa Zambales kahapon.
Ito ay may kaugnayan sa simula ng pagpapatupad ng price ceiling sa bigas alinsunod sa E.O No. 39 para maibsan umano ang mataas na presyo nito sa merkado.
Ayon kay DTI Zambales Provincial Dir. Enrique Tacbad, kasama ang Kagawaran ng Agrikultura at mga LPCC ay inatasan sila sa monitoring sa mga pamilihan.
Kabilang umano sa i-momonitor muna ay ang address, halaga ng regular milled rice, well-milled rice at inventory.
Matatandaan na alinsunod sa EO, ang itinakdang presyo sa regular milled rice ay 41/kilo habang ang well-milled rice ay 45/kilo.
Kaugnay nito, umaaray naman ang ilang mga rice retailers sa Lungsod ng Olongapo dahil sa taas rin ng kanilang puhunan.
Umaasa naman ang mga ito sa magiging tulong ng gobyerno sa mga rice retailers.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
