LPG tank ng isang laundry shop sa Maynila, sumabog; bilang ng nasugatan, umabot na ng 16

Umabot na sa 16 ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang laundry shop sa Malate, Manila.

Kabilang sa mga nasugatan ang mga estudyante na nasa billiard hall sa taas ng laundry shop.

Ayon sa mga ito, nagke-kwentuhan lamang sila nang mangyari ang pagsabog at nang makita nila ang sarili nila, nagtamo na sila ng sugat at ‘duguan’ na, dulot na rin ng mga nasirang glass doors.

Ang tinitingnang nasa likod ng pagsabog ay ang LPG tank na idineliver sa laundry shop.

Napag-alaman na mula sa dalawang LPG tank, iisa lamang ang nakakonektang hose, habang ang hose ng isa pang tangke ay nakalaylay na nagdulot umano ng gas leak.

Ipinangako naman ng may-ari ng laundry shop na sasagutin nila ang gastos pang-medikal ng mga biktima.

Samantala, pinag-iisipan naman ng pamilya ng mga biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa may-ari ng naturang laundry shop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *