LTFRB-12, nagbabala sa mga PUVs na ‘di nagpapatupad ng social distancing sa kanilang mga pasahero

KORONADAL CITY — NAGBABALA ng multa ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region-12 sa mga operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan na hindi sumusunod sa minimum health protocols laban sa Covid-19 lalo na sa mga hindi sumusunod sa social distancing policy.

Ito ang sagot ni LTFRB-12 Regional Director Paterno Reynato Padua sa mga reklamo at obserbasyon na hindi na nasusunod ang social distancing sa mga pasahero ng vans at bus na bumibiyahe. Nilinaw ni Padua na maaaring magtabi sa upuan ang mga pasahero sa kondisyon na may namamagitang plastic barrier sa mga ito.

Sakali umanong walang plastic barrier, dapat masunod ang one-seat apart bilang pagsunod na rin sa social distancing kontra Covid-19. Babala ni Padua na may mga personnel ang LTFRB na nag-iinspeksiyon sa mga bumibiyaheng mga bus at vans upang masigurong naipapatupad ang nasabing patakaran.

Sa isyu naman ng pamasahe, may fare matrix umano ang mga bus at vans na maaring pagbasehan ng mga pasahero ng kanilang pamasahe. Sakali umanong may reklamo ang publiko laban sa mga public utility vehicles, maaari itong ipa-abot sa tanggapan ng LTFRB-12 upang ma-aksyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *