LTFRB, itinakda sa June 30, 2023 ang ‘final trips’ ng mga tradisyunal na jeep

Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa June 30 ang pagtatapos sa operasyon ng mga tradisyunal na jeep.

Ito ay sa harap na mag-eexpire na sa naturang petsa ang prangkisa ng mga jeep, matapos na apat na beses nang pinalawig ng LTFRB ang deadline para sa mga operators na bumuo ng kooperatiba.

Ang cooperatives ay para makayanan ng mga operators ang pagbili ng modern jeeps na nagkakahalaga sa P2.6 million bwat isa, sa pamamagitan ng loans mula sa mga financial institutions.

Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano, na ang CPC o Certificate of Public Conveyance ay ibabalik sa gobyerno, at igagawad para sa mga nag-consolidate.

Kaugnay nito, tanging ang mga traditional jeep operators lang na nasa proseso na ng pag-transition bilang isang cooperative o corporation ang exempted mula sa June 30 deadline.

uld be given cash assistance and training from the Department of Labor and the Technical Education and Skills Development Authority.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *