LTFRB, magsasagawa ng ‘libreng sakay’ sa Lunes

Magsisimula na sa Lunes ika-11 ng Abril ang libreng sakay ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) na posibleng tumagal ng 45 hanggang 60 araw.

Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, pinaghahandaan na nila ang implementasyon ng service contracting program nationwide pero hindi pa para sa lahat ng ruta.

Dagdag pa ni Cassion ang mga public utility vehicle (PUV) operators at mga drivers na kaisa sa free ridership program ng gobyerno ay makakatanggap ng one-time payout at weekly payments base sa bilang ng kilometro na kanilang binaybay may pasahero man o wala.

Samantala, nasa P7 billion ang budget para sa naturang programa sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *