LTFRB, nagsagawa ng regional transport and stakeholders consultation forum sa Albay

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Regional Transport and Stakeholders Consultation Forum kahapon sa lalawigan ng Albay.

Ito ay upang hikayatin ang mga lokal na pamahalaan at sektor ng transportasyon na tangkilikin ang programang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno.

Ayon kay Hearing Officer IV ng LTFRB Central Office na si Atty. Salvador Balbuena, nais ng tanggapan na bigyang-diin ang kahalagahan ng PUV modernization program at isulong ang pagsunod sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa loob ng komunidad.

Aniya, sa pamamagitan ng LPTRP at pagtangkilik ng PUVMP, sasalamin ito sa kagawaran ng kaligtasan at kapakanan lamang ng mga mamamayan ang kanilang iniisip.

Sinabi pa ni Balbuena na ang PUVMP ay ang pinakamalaking non-infrastracture program ng pamahalaan.

Ito rin umano ay upang mapagaan at maisayaos ang buhay ng mga mamamayan, mapabuti ang lokal na sistema ng transportasyon, at umunlad tungo sa isang matatag na kinabukasan ang isang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *