LTFRB: puwede pa rin ang traditional jeeps basta’t pasok sa national standards

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maari pa rin umanong gamitin ang mga traditional jeepneys na mayroong iconic Filipino design, basta’t ito ay pasok sa standards na inilabas ng gobyerno.

Mababatid na dalawang araw nagsagawa ang mga transport groups ng nationwide strike upang iprotesta ang public utility modernization program ng gobyerno.

Kabilang kasi sa mga issues na kanilang idinadaing ay ay ang replacement ng traditional jeepney units ng moderno na gaya mga mini bus, maging ang mahal na presyo ng modernized jeepney, na papalo sa halos P2 million kada unit.

Pero ayon kay Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano na sa pamamagitan ng modernization program, maa-upgrade na ang mga lumang unit upang matiyak ang ligtas, comfort, at seguridad ng mga pasahero.

Giit ni Bolano, available naman ang mga loans para matulungan ang mga operators at drivers na makabili ng modernized units, pero para maging kwalipikado, kailangan munang mag-consolidate o sumali ang mga franchise owners ng kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *