LTFRB Region 3 pinaalalahan ang mga puv na maningil lamang ng nakasaad sa taripa

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3 sa mga operator at driver ng mga pamublikong sasakyan na maningil lamang ng naaayon sa taripa.

Ang paalala ay matapos na may isang driver ang pinagmulta ng ahensya sa Pampanga dahil sa usapin umano ng overcharge.

Dagdag pa ng LTFRB, kailangan ring ibigay ang nararapat na discount para sa mga estudyante, senior citizen at PWD.

Babala ng ahensya, kapag napatunayan na hindi nagbibigay ng tamang sukli ang tsuper ay mapapatawan ito ng karampatang multa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *