LTFRB sa PUV drivers: Fuel subsidy program, wag abusuhin

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drivers ng public utility vehicle (PUV), na huwag abusuhin ang fuel subsidy program, dahil pinag-aaralan palang ang long-term implementation nito.

Ayon kay LTFRB – National Capital Region Director Zona Russet Tamayo, gamitin ng mga subsidy recipients ang naturang tulong para sa fuel expenses.

Sinabi ni Tamayo, na madedetect ng Land Bank of the Philippines, kung saan ipinasok ang subsidiya, kung ginamit ng operators ang pera para sa ibang layunin.

Noong Miyerkules nang sinulan ng gobyerno ang pamamahagi sa P1-billion na halaga ng fuel subsidy sa halos 136,000 PUV drivers, sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng lana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *