LTFRB, tiniyak ang kaayusan sa idaraos na FIBA World Cup sa bansa // Special permits, ibinigay sa mga bus para masakyan ng mga manonood at manlalaro

Nagbigay ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga piling Public Utility Bus (PUB) na pwedeng sakyan sa gaganaping 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ang mga bus na ito ay gagamiting sa paghahatid sa mga players at manonood na mula sa 16 na mga bansang kabilang sa naturang palakasan.

Dahil sa gagawing serbisyo ng mga bus, hindi ang mga ito maaaring hulihin ng Land Transportation Office (LTO), maging ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ng iba pang mga ahensya ng gobyerno sakaling lumabag sila sa number coding.

Kasabay ng special permit, naglaan na rin ng mga terminal na siyang magsisilbing “pick-up” at “drop-off point” para sa mga pasahero na magsisipuntahan sa event.

Sa huli, tiniyak ng LTFRB sa publiko ang maayos na pagdaraos ng makasaysayang FIBA World Cup sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *