LTFRB whistleblower, muling kumambyo at sinabing totoo talaga ang kurapsyon sa tanggapan

Atras-abante ang pahayag ng dating executive assistant sa LTFRB na si Jeffrey Tumbado.

Kung dati kasi – kumambyo siya sa mga alegasyon niya ng ‘lagayan’ sa ahensya, ngayon ay nanindigan naman siyang mayroon talagang katiwalian sa LTFRB.

Sabi ni Tumbado, totoo raw ang mga una niyang binanggit na may katiwalian talaga sa LTFRB dahil personal niya itong nasaksihan.

Isiniwalat ng dating LTFRB official na kaya lang naman daw siya nag-recant ng pahayag ay dahil may nag-pressure daw sa kaniya.

Sa huli, nanidigan si Tumbado na marami pa rin daw taalagang mga kurakot na opisyal ng LTFRB ang sangkot sa katiwalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *