Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng mga regional directors na mas pagbutihin ang kanilang koordinasyon kasama ang Bureau of Customs (BOC) para matugunan ang smuggling ng mga sasakyan sa bansa.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, sa sandaling magkaroon na ng matibay na ugnayan ang dalawang ahensya, matitiyak na ng BOC na walang smuggled vehicles ang makapagpaparehistro sa kanilang mga opisina sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Mendoza na ang paglaban sa smuggled vehicles ay nangangahulugan ng pagpigil at pagpapahinto sa mga krimen o masamang gawain.
Sa huli ay nanawagan ang opisyal sa ppubliko na i-report agad sa kanila ang anumang impormasyon na makatutulong upang masugpo na ang pagpasok ng smuggled vehicles sa bansa.