LTO Bicol, ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng theoretical driving course sa mga kwalipikadong aplikante ng students permits

Nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang pagbibigay ng Land Transportation Office (LTO) ng libreng Theoretical Driving Course para sa mga kwalipikadong aplikante ng student permits.

Ayon sa tanggapan, may mga district offices na nagbibigay ng libreng driving course para sa mga ito.

Marami na rin umano ang mga nagtapos sa kurso kung saan maaari na silang sumailalim sa pagsusulit.

Aabot na rin sa humigit-kumulang sa 60 na mga theoretical driving courses ang ibinigay sa Bicol region.

Layunin nitong malaman ng mga magsisimula pa lamang sa pagmamaneho ng kanilang sasakyan sa kalsada ang pagdating sa traffic rules at maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *