LTO Daet nagsagawa ng libreng Theoretical Driving Course na bahagi ng pag obserba sa road safety month

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng libreng theoretical driving course ang Land Transportation Office bilang bahagi ng pag obserba ng Road Safety Month.

Ayon kay LTO Daet Assistant Chief Roberto Candelaria nakiisa ang LTO Bicol partikular ang Daet District Office sa simultaneous na nationwide theoretical driving course noong nakaraang May 11- 12.

Sa naturang training ay mayroong sampung napa- graduate ang LTO Daet sa libreng Theoretical driving course.

Nagpapatuloy din umano ang ahensiya sa pagtanggap ng application sa mga wala pang student permit at mayroon nagbibigay pa rin ng libreng TDC.

Hangad din ng ahensya na isulong ang mas ligtas at maayos na mga kalsada para sa lahat ng gumagamit nito.

Ang libreng theoretical driving course ay nagbibigay  ng oportunidad sa mga tao na walang kakayahang magbayad para dito.

Bagamat limitado lang din ang naaccommodate  nais parin umano ng ahensiya na makatulong para mas dumami ang mayroong sapat na kaalaman sa pagmamaneho upang maiwasan na rin ang mga aksidente sa kalsada.

Ngayong buwan ay madalas ding “visible” sa kalsada ang LTO hindi lang para maghuli kundi i- educate ang mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *