LTO, maghihigpit sa mga motorcycle riders para mahikayat na magparehistro

Mas maghihigpit ang Land Transportation Office sa mga motorcycle rider matapos lumitaw na mahigit 8 milyong motorsiklo ang hindi pa na re-rehistro sa buong bansa.

Hirit naman ng grupo ng mga motorcycle na dapat isali sa konsiderasyon ang mga motor dahil sa dami ng gumagamit nito sa kalsada.

Nais ng ilang grupo na alisin na ang mga motorcycle lane partikular na sa may Commonwealth Ave.

Tiniyak naman ng Metro Manila Development Authority na mananatili ang nasabing lane para iwas sa aksidente.

Umapela din ang MMDA sa Korte suprema na tanggalin na ang Temporary Restraining Order sa implementasyon sa No Contact Apprehension Policy.

Sinabi ng MMDA na hindi sapat ang traffic enforcer para mabantayan ang traffic lalo na sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *