LTO muling pinaalalahanan ang mga nagmamaneho ng tricycle na huwag gumitna sa highway

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Land Transportation Office ang mga driver ng tricycle na hanggat maaari ay huwag gumitna sa highway.

Aminado kasi ang ahensiya na sa kasalukuyang sitwasyon ng mga kalsada lalo na sa Maharliha Highway ay hindi talaga maiiwasan na dumaan pa din sa gitna ang mga tricycle.

Ang bagay na ito ay nabuksan sa open forum sa ginawang Road Safety and Traffic Regulations Orientation sa bayan ng Basud kung saan karamihan sa mga dumalo ay mga tricycle driver.

Tinanong ng isang tricycle driver sa LTO kung pwede ba silang dumaan sa gitna ng kalsada.

Tugon naman ng kinatawan ng LTO na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Maharlika Highway partikular ang Basud to Daet na on going ang mga road widening projects ay hindi talaga maiiwasan na dumadaan sa gitna ang tricycle.

Sa ganitong pagkakataon ay maaari umanong mapagbigyan ng LGU at law enforcement agency at huwag masyadong maghigpit

“Diyan sa pagkakaton na yan siguro pagbibigyan kayo ng LGU ng law enforcement agency nang national government kasi alam naman nila na hanggang ngayon meron tayong limitation dun sa highway.”

Pero paalala ng LTO na hanggat maaari ay sa gilid lang na bahagi ng highway o “outer most lane” sila dumaan.

Kahit naman daw kasi dalawang lane lang ang nagagamit ay masyadong malawak ang highway kaya pwede naman talagang nasa gilid lang ang tricycle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *