LTO, nagtakda ng ₱300 cap sa medical exam

Ibinaba ng Land Transportation Office sa ₱300 ang maximum medical examination fees a sinisingil ng mga accredited medical clinic para sa aplikasyon ng student permit at driver’s license.

Alinsunod ito sa memorandum circular na nilagdaan ng nagbitiw na si LTO Chief Jay Art Tugade noong May 19 bilang tugon sa mga reklamo kaugnay ng mataas na halaga ng medical examination na isa sa mga requirement sa pagkuha ng driver’s license.

Karaniwan kasi ay umaabot ng 500 hanggang 700 pesos ang bayad.

Sakop ng bagong polisiya ang lahat ng LTO accredited medical clinics at health facilities.

Sinumang hindi susunod sa bagong polisiya ng LTO ay may kakaharaping kaparusahan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *