Nanawagan ang Land Transportation Office Region 2 sa publiko na huwag tangkilikin ang mga indibidwal na nag-aalok o nagbebenta online ng mabilisang pagkuha ng driver’s license.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay LTO RO2 Assistant Regional Director Manuel Baricaua, huwag umanong maniwala sa mga post sa social media na nagsasabi ng madaling pagkuha ng lisensya dahil wala umano itong katotohanan.
Aniya, taliwas sa sinasabi ng mga fixer ay hindi maaring makakuha ng lisensya ang isang indibidwal kung hindi personal na magtutungo sa opisina ng LTO dahil kinakailangan pa ng biometrics at picture kung saan istriktong pinagbabawalan din ang substitute.
Maari namang madoble ang babayaran ng mga indibidwal na mahuhuliang gumagamit ng pekeng lisensya at maaring makasuhan ang mga ito sa paglabag sa RA 11032 o ANTI-RED TAPE ACT OF 2007.
Samantala, ang mga mahuhuling gumagawa at nagbebenta naman ng pekeng lisensya ay maaring makasuhan ng falsification of public documents by public individuals at ibang kasong maaring ipataw laban sa mga ito.
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…
CAMARINES NORTE - Inihayag ng Social Security System (SSS) na sinisiguro nito ang compliance sa…
CAMARINES NORTE - Nilinaw ng Civil Service Commission na hindi kasama sa Flexible Work Arrangement…