NAGA CITY- Punuan ang mga bus mula Maynila patungo sa Bicol Region , punuan din ang mga local trips sa Camarines Sur ngayong Semana Santa, kaya nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa pagsakay sa mga colorum dahil walang pananagutan sa mga pasahero kung masangkot sa aksidente.
Ayon kay LTO Pamplona Chief Nero Dy Claro, nakabantay sila para sa kaligtasan ng publiko, lulan man ng pampubliko o pribadong sasakyan. Nakaangla ito sa Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation. Aniya dapat kompleto sa dokumento ang mga driver at sasakyan, ang mga pasahero naman hindi nagsisiksikan.
Samantala, sa pagdami pa ng mga sasakyan sa kalsada panawagan ng LTO head sa LGU na linisin ang obstruction; mga nakaparadang sasakyan, mga naka usling signages at iba pa pa.
Maliban sa pagsisiguro ng BLOWBAGETS o ang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self, manalangin din ayon pa sa LTO.
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…