Luis, aminadong nagulat sa relasyon nina Edu at Cherry

Aminado ang veteran host na si Luis Manzano na maging siya ay nagulat nang malaman niya na nagkatuluyan ang kaniyang ama na si Edu Manzano at ang aktres na si Cherry Pie Picache.

Sa isang panayam ay nagbiro si Manzano na pwede nang itapat sa KathNiel ang tambalan nina Edu at Cherry, kung maibabalik na ang prangkisa ng ABS-CBN ngayong taon.

Ipinunto ng TV host na sila’y “na-caught off guard” at wala talaga ang nakaisip na ito ay mangyayari sa kaniyang ama at Tita Pie.

Naikwento ni Luis na mayroon siyang kaibigan na kumuha sa litrato ng kaniyang ama at Tita Pie habang sila ay namamasyal sa US.

Aniya, sinend nya ang litrato pabalik sa kaniyang ama at sinabi, “Uy daddy, happy boy ka”.

Inihayag ni Luis, na nag-reply si Edu sa kaniya ng “yes anak, happy,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *