Luis Manzano at Jessy Mendiola, ipinakilala sa publiko ang kanilang anak na babae

Ipinakilala na ni Luis Manzano ang kanyang unang anak sa asawang si Jessy Mendiola sa kanilang mga followers sa social media.

Sa unang pagkakataon, nagbahagi si Manzano ng tatlong adorable photos ni Isabella Rose.

“Happy 1 month our little Peanut,” base sa caption ng mga larawan ni Isabella Rose na tila kuha ni Mendiola.

Nakatanggap ang post ng libu-libong komento kung saan inihayag ng mga netizens ang kanilang paghanga sa anak ng mag-asawa at kung gaano sila ka-swerte na maging unang mga magulang.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *