Lumabag sa unang araw ng ‘no vaxx, no ride’ policy , wala munang multa – DOTr

Hindi muna titiketan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga mahuhuling drayber at operators na hindi sumusunod sa umiiral na ‘no vaxxed, no ride’ policy sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., pagbibigyan nila ang mga lalabag sa unang ilang araw ng implementasyon ng polisiya.

Ngayong ilang tsuper at pasahero ang nasita dahil hindi pa mga bakunado habang ang iba naman ay isang dose pa lamang ng COVID-19 ang naituturok.

Subalit ayon kay Tuazon pagsasabihan lang muna ang mga violators subalit kung paulit-ulit na mahuhuli ay hindi sila magdadalawang isip na tiketan ang mga ito.

Inihayag ng opisyal na nagpakalat ng mga traffic enforcers sa iba’t-ibang lugar sa NCR para imonitor ang pagpapatupad ng nabanggit na polisiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.