Lungsod ng Buffalo, New York, nagmistulang war zone dahil sa severe winter storm

Nagmistulang war zone ang lungsod ng Buffalo, New York sa North America dahil sa severe winter storm.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni New York state governor Kathy Hochul na umabot na sa 28 weather-related death ang naitala mula sa naitalang 13 lamang noong Linggo.

Sinabi ni Hochul na mistulang giyera sa inang kalikasan ang pangyayari na tumama sa kanila simula noong Huwebes ng nakaraang linggo.

Napag-alaman sa report na ang blizzard condition na nakaapekto mula Canada hanggang Mexican border ay kumitil na sa buhay ng 56 na tao kung saan ang Buffalo ang pinakamatinding tinamaan.

Kinumpirma ni Hochul na mas nakalala pa sa life-threatening situation ang matinding snow dahil hindi makatugon ang mga emergency vehicle dahil nababalahaw ang mga ito.

Inihalimbawa ng opisyal ang isang pamilya na mayroong mga bata na inabot ng 11-oras bago na-rescue dahil sa hirap ng transportasyon. (CNN PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *