Lupong tagapamayapa, inaakusahan ng pananakit sa senior citizen

Nanakit, nambastos at nambugbog, ito umano ang naging trato ni Mario Nabong, isang Lupong Taga Pamayapa ng Barangay Amsic sa Angeles City, sa isang Senior Citizen.

Mismong ang biktima ng pang-aabuso ni Nabong na si Gloria Gordora ang syang nagkwento ng kaniyang sinapit noong Feb 03.

Nangyari ang insidente sa loob daw mismo ng barangay hall, nang merong ireklamo si Gordora at si Nabong sana ang mag aayos sa kanila.

Pero sa halip na ayusin, nauwi sa pananakit ang paghaharap harap nila sa barangay.

Sa kasalukuyan may hawak na ebidensya ang biktima at handa itong magsampa ng kaso laban sa lupon.

Sinubukan nya rin daw humingi ng tulong sa kanilang Barangay Chairman ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong nagiging aksyon.

Samantala, sinubukan rin ng Brigada News FM na tawagan ang kapitan ng naturang Barangay at si Nabong hinggil sa isyu ngunit hindi sumasagot ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *