Lydia de Vega, pumanaw na dahil sa breast cancer

Pumanaw na kagabi ang Philippine sports icon na si Lydia de Vega-Mercado sa edad na 57-anyos.

Si de Vega-Mercado ay matagal nang nakikipaglaban sa sakit na breast cancer, kung saan noong 2018 nang matuklasan ang kanyang sakit.

Mababatid na nitong Hulyo lang nang ibunyag ng anak nito na si Stephanie Mercado-de Koenigswarter na nasa “very critical condition” ang kanyang ina dahil sa naturang sakit.

Binansagan noon si De Vega na Asia’s fastest woman at two-time gold medalist sa Asian Games, habang nakakuha rin ito ng nine gold medals sa Southeast Asian Games.

Noong 2019, nang huling makita si De Vega sa opening ceremonies ng Southeast Asian Games kung saan isa siya mga flag bearer kasama ang iba pang Philippine sports icons.

Leave a Reply

Your email address will not be published.