Nagrereklamo na rin ang ilang guro sa bayan ng San Simon dahil sa perwisyong naidudulot ng ilang steel plant.
Ayon sa ilang teaching personnel sa San Isidro Elementary School, minsan ay talagang nakakaranas sila ng makapal na usok at mabahong amoy mula sa planta.
Bagama’t minsan lang umano ito maranasan, ikinakabahala naman ng mga guro ang kapakanan ng kanilang mga estudyante, dahil posibleng makasama ito sa kanilang kalusugan
Matatandaaan na ipinatawag na ng DENR-EMB ang dalawang steel plant sa naturang munisipyo at bingyan ng direktiba para maisaayos ang kanilang operasyon.
