Pinaalalahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ilang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue at Commonwealth Avenue sa darating na ika-17, 20 at 24 ng Setyembre.

Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang Bar Examinations na gaganapin sa University of the Philippines Diliman.
Dahil dito, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko mula 3:30am hanggang 9:00 am at 3:30pm hanggang 7:00pm.
Kaugnay nito, pansamantalang pinapayuhan ng awtoridad ang mga motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang pag-build up ng mas matinding trapiko.