Madalas na pag “brown-out” sa Catanduanes maaari nang masolusyonan oras na matapos ang “submarine cable” project ayon sa FICELCO

BICOL— Inihayag ni FICELCO-General Manager Raul Zafe na maaari nang mabawasan ang madalas na pag brown out sa islang lalawigan ng Catanduanes kapag naisakatuparan na ang proyektong “submarine cable” na magdudugtong sa Luzon Grid at sa islang probinsiya.

Ito ay matapos ang nangyaring MOA Signing ng nasabing proyekto sa pagitan ng FICELCO at National Transmission Commission (TransCo) nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Zafe, nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P3.1-Billion at oras aniyang matapos na ito ay posibleng mabawasan na rin ang singil sa kuryente sa mga taga islang probinsya ng aabot sa P4.00 kada kilowatt hour.

Dagdag pa nito, maaari na ring makapagbukas ng iba pang alternatibong source ng enerhiya kaya posible na rin ang pagtatayo ng malalaking negosyo sa isla.

Sa huli, inihayag ng opisyal na target na maisakatuparan ang “submarine cable” project bago matapos ang taong 2022.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *