Mag-aama, nalunod-patay sa Palawan

Pinaglalamayan na ngayon ang isang Padre de pamilya at dalawa nitong anak sa Barangay Casian, Taytay Palawan.

Ito ay matapos silang malunod  sa karagatan ng Sitio Luyo, Casian,Taytay, Palawan nitong Sabado, June 18, 2022.

Kinilala ang mga namatay na sina Alwin Latube, tatay at mga anak nito na sina Faith Arnold, 8 anyos at Faith Arvin Latube, 5 anyos na magdiriwang sana ng kaarawan bukas.

Ayon sa kapatid ni Alwin na si Rosemelyn Latube sa panayam ng Brigada, bago ang trahedya ay magkakasama sa dagat ang mga kaanak at dinala nila ang bangka sa medyo malalim na parte ng dagat.

Ang hinala ni Rosemelyn ay hindi kinaya ng kanyang kapatid na si Alwin na akayin o buhatin ang dalawang anak kaya magkakasama silang inabutan ng malakas na agos ng tubig-dagat hanggang sa mapadpad sa dalampasigan.

“Dinala nila [kuya] ang bangka sa malalim-lalim na parte ng dagat para hindi mahibasan tapos lalangoy na lang sana sila pabalik ng pampang…Pahibas po kasi, pag-pahibas po kasi malakas na po ang agos. Patakip-silim na po sila nakita kahapon”.- Rosemelyn, sa panayam ng Brigada News FM

Ang mga naulila ng tatlong biktima ay nangangailangan ngayon ng tulong-pinansyal upang sila’y maipalibing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *