Mag-aaral sa Libon, Albay, wagi sa disenyo para sa 450th founding anniversary ng nasabing bayan

Isinapubliko ng lokal na pamahalaan ng Libon, Albay ang ginawa ng isang mag-aaral para sa 450th founding anniversary ng nasabing bayan.

Wagi si Andrei Barela na mula sa Libon Community College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Education Major in Science sa kakatapos lamang na logo-making contest.

Sa naging panayam kay Barela, nakaranas din umano ito ng mga paghihirap at naging abala rin ito sa pag-aaral habang pinag-iisipan nito ang igagawang disenyo.

Aniya, nagawa pa rin nito na maisingit ang mga nagawa nitong disenyo upang makamit ang kanyang pagkapanalo sa nasabing kompetisyon.

Sinabi ni Kaci Abila, ang Tourism Officer ng nasabing bayan, aabot sa siyam ang lumahok sa kompetisyon at iba’t ibang paaralan, individual, grupo ng mga freelance at professional ang sumabay sa nabanggit na kompetisyon kung saan marami ang nagtagisan ng talento sa pagdidisenyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *