Mag-ama huli sa paggawa ng uling sa Naga City

NAGA CITY- Arestado ang mag-ama sa Naga City dahil sa paggawa ng uling.

Sa ulat ng Naga City Police Office , nakatanggap ng sumbong ang Police Station 6 mula kay  Danilo Borlagdan, Administrative Officer 5, Mayor’s Office, Forest in Needs Program, ENRO ukol sa naturang pangyayari sa San Rafael, Cararayan.

Sa pagresponde ng NCPO, nakilala ang mga suspek na sina Mario Sr, 65-anyos at Mario Jr, 30-anyos ng nasabing lugar.

Nakita pa ng mga otoridad na na pinupunuan ng mag-ama ang limang sako.

Napag-alaman  ng BNFM na pagtatanim ang ibang hanapbuhay ng dalawa, tumanggi nang magbigay ng komento ang pamilya.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa  PD 705 o  The Forestry Reform Code of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *