Mag-ama, patay matapos barilin ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Lucena City

Patay ang mag-ama matapos barilin ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Barangay Mayao Castillo sa lungsod ng Lucena bandang alas-singko ng umaga nitong Martes, Mayo 9.

Kinilala ang nasawi na sina Michael Gadia Garcia, 43 anyos tricycle driver at residente ng Barangay Silangang Mayao at ang anak nitong babae na menor de edad.

Ayon sa report, bandang alas 5 ng umaga ng naturang araw, sakay ng kanyang tricycle si Michael kasama ang dalawa nitong anak na noon ay ihahatid niya sa kani-kanilang paaralan.

Matapos maihatid ang isa nitong anak at patungo na sa paaralan ng nasawing bata ay doon na naganap ang pamamaril ng dalawang suspek na sakay naman ng isang motorsiklo.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama ng bala si Michael sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naisugod pa sa ospital ang anak nito ngunit ideneklara ring dead on arrival.

Kasalukuyang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang pinaghahanap na ang mga suspek na mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Talipan, Pagbilao, Quezon matapos ang insidente ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *