Mag-asawa sa China binenta ang sanggol na anak kapalit ng kanilang luho

BINENTA ng mag-asawang Miss Zhang at Mr. Teng ng Shanghai, China ang kanilang sanggol na anak na isang linggo pa lang naisisilang para lang mabili ang  kanilang mga mamahaling  luho.

Sa kagustuhan ng mag-asawa na mabili ang kanilang pinaka-mimithing iphone at sneakers duon pumasok sa isip nilang ibenta ang kanilang anak sa halagang 50,000 yuan o $8,000.

Ngunit ng ito ay makarating sa pulisya agad nilang binantayan ang mag-asawa at agad ding inaresto sa kasong human trafficking. Sa paliwanag ng mag-asawa nagawa nilang ibenta ang anak, wala umanong magandang maidudulot sa bata kapag sakanila ito lumaki dahil wala silang pera pang suporta dito.

Ngunit tila ayaw silang kampihan ng tadhana, dahil napag-alaman na matapos maibenta ang sanggol ay na track sa kanilang credit card bill na gumastos sila ng malaki sa pagbili ng iphone at sneakers.###CD   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *