Dumating ka na ba sa puntong mayroong isang kantang naririndi ka at tila ayaw na ayaw mong marinig?
Isang mag-sawa kasi sa Sweden ang nagtatangkang mabili ang sikat na Christmas song na “Last Christmas” upang ipabura ito sa lahat ng streaming plaforms.
Ayon sa bride, may masamang karanasan umano siya noon sa pinagtatrabahuhan niyang coffee shop at panahon ng Christmas season ay paulit-ulit niyang naririnig ang kantang ito habang nakararanas ng masamang pagtrato mula sa may ari ng coffee shop.
Dahil sa nasabi nila ito sa kanilang mga barkada ay suhestiyon ng mga ito na bilihin ang kanta upang matagumpay na maipabura ang kanta sa lahat ng plataporma.
Ngunit, nagkakahalaga lang naman ito ng aabot sa $15m dollars at dito nila naisipan na gumawa ng fundraising sa mga kapuwa may ayaw sa kanta at nakalikom nga ng mahigit 62 000 dollars.
Ayon sa mag-asawa malaking pera pa umano ang kailangan nila ngunit, hindi umano sila titigil hangga’t hindi nila nabibili ang rights ng sikat na Christmas song.###WENCY LISAY