Naniniwala si Shannon at Troy Pinkerton na bawat bata sa mundo ay may karapatan na magkaroon ng sarili nitong pamilyang magmamahal sa kanya nang lubusan.
Dahil dito, nag-adopt ang mag-asawa ng mga kabataang may Down Syndrome.
Nagsimula ito noong 2009 nang i-adopt nila ang 10-years-old na special child na si Joey.
Ayon sa mag-asawa, naging madali ang desisyon na ito sa kanila dahil may puso sila sa mga special children.
Makalipas ang halos 15 taon, hindi na lamang si Joey ang anak nila dahil lima pa ang in-adopt nila Shannon at Troy na may mga Down Syndrome, Non-Verbal Autism at Dwarfism.
Kabilang na dito sina Devlin, 18, Julian, 20, Cameron, 23, Anthony, 25 , at Tracee, 28.
Ayon sa mag-asawa, hindi nagkaroon ng “dull moment” ang kanilang bahay dahil punong puno ng adventure ang kanilang pamilya,
Kabilang na rito ang pangangabayo sa kanilang hometown at pangongolekta ng itlog ng mga kanilang alagang manok.