Mag-asawang dala ang kanilang bangkay na sanggol, patay matapos maaksidente ang sinasakyan nitong motor

Patay ang dalawang indibidwal sa Zamboanga del Norte matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pick-up truck.

Pauwi na sana sa bayan ng Sindangan ang mag-asawa habang dala-dala nila ang bangkay ng kanilang sanggol na anak.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasagian ang dalawang motorsiklo na dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang mister at napunta sa kabilang linya ng kalsada at nakasalpukan ang paparating na pick-up truck.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *