Mag-asawang suspek sa ‘rentangay’ scam, huli sa Palawan

Kulong na ang mag-asawang suspek sa umano’y ‘Rentangay’ matapos ireklamo ng mga biktima sa Bataraza PNP dahil sa pagsasangla ng mga sasakyan na hindi sa kanila.

Ayon sa ulat ng Bataraza PNP, isang Edgardo Peria ang nagsumbong sa kanila at sinabing noong June 24, 2022 nang isangla sa kanya ng dalawang suspek na sina Ruthchel Chu Camasuela 37 anyos at Gharry Abrasado Moreno, 29 anyos ang isang ang Toyota HILUX sa halagang 600, 000Php sa maikling panahon.

July 1, 2022 ay bumalik pa umano ang mga ito sa bahay ni Edgar at humirit ng dagdag sa unang hiningi na halaga kaya nagduda na siya at nagsumbong sa PNP.

Maliban rito, june 18, 2022 ay sinanglaan rin si Edgardo ng isang unit ng Mitsubishi Strada Pick-up ng dalawang iba pang suspek na iniimbestigahan pa hanggang ngayon sa halagang P350, 000.00

Matapos ang imbestigasyon ng Bataraza PNP ay natuklasan na modus ng mga suspek na mag-renta ng sasakyan bago nila ito isasangla gamit ang mga pekeng dokumento tulad ng OR/ CR kaya sinampahan sila ng reklamong Swindling Estafa at ngayo’y nahaharap sa New Anti- Carnapping Act of 2016 at Estafa thru Falsicication of Public Documents.

Samantala, patuloy ang pagtugis ng pulisya sa iba pang mga kasama ng mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *